Home | Archives

Kailan ba ang tamang oras para magbitiw na sa iyong trabaho?

Pangit na araw, pangit na linggo, pangit na buwan. Lahat tayo napagdaanan na ito - mga panahon na parang wala kang magawang tama, mga boss at mga kliyenteng walang ginawa kundi humingi, mga oras na parang ayaw mo na.

Hindi sa lahat ng pagkakataon makukuha natin yung trabahong pinapaginipan natin. Minsan yung pagpursige sa mga trabahong 'di natin gusto ay kailangan nating gawin para sa kinabukasan natin pero, minsan naman, di lang rin talaga ito nararapat bigyan ng oras o abilidad. Kailan ba ang tamang oras na magsabing ayaw mo na?

Dito, linista namin ang mga iba’t ibang paraan para malaman mo kung dapat ka na bang umalis sa trabahong mayroon ka ngayon.

Hindi ka na nabubuhayan ng loob

Kapag lagi ka nang inaantok sa trabaho, mag-isip ka na. Oo, pwedeng pagod ka lang o tinatamad pero, kung nangyayari ito araw-araw, maaring ibig sabihin nito ay wala ka naman talagang nakukuha sa trabaho mo. Wala ka nang natututunan, hindi ka na nahihirapan, at hindi ka na nabubuhayan ng loob. Kung ganito ka araw-araw at hindi mo inaagapan, baka mawalan ka pa ng gana magtrabaho kahit sa ibang kompanya.

Pag-aralan mo yung nararamadaman mo. At kung hindi ka pa handang umalis, kausapin mo na ang boss mo. Humingi ka ng ibang pwedeng gawin, at ibang pwedeng aralin. Kung wala pa ring nangyayari, baka humanap ka na ng ibang lugar para sa iyo.

Hindi mo pinapaginipang maging boss

Sa maraming iba’t ibang larangan, ang pagakyat ng sinasabing “corporate ladder” ay nagiibig-sabihing balang araw, ikaw na ang magiging boss.

Kung sa puntong ito, hindi mo nakikita o naiisip na gusto mo maging boss, baka naghahalaga ito na mas bagay ka sa ibang industriya. Kung hindi mo makita ang sarili mo sa kinatatayuan niya, saan ka pa ba tutungo? Malamang, baka naglalakad ka lang patungo sa “career limbo.”

Hindi ka nakakasigurado? Kausapin mo ang boss mo ngayon at baka naman may ibang landas na pwede mong tahakin sa industriyang kinaroroonan mo ngayon. 

Araw-araw na lang ay parang isang malalang Lunes

Kasabay ng pagdating ng Lunes ay ang pagdating ngstress, at napakaraming trabaho. Kaya nga tinatawag itong manic Monday.

Kung ang pang araw-araw mo ay parang Lunes na, isa rin itong kailangan pansinin. Araw-araw na lang ay parang napakahirap bumangon, lumabas ng bahay at pumasok sa pinto ng kompanya mo. Sa ganitong sitwasyon, nasaan ang kasiyahan sa trabaho?

Bago mo isipang umalis, subukan mo muna mag bakasyon. Kung hindi ito gumana, baka oras na ngang maghanap ng ibang kompanya.

Parang wala kang halaga

Lahat tayo nagnanais maramdamang mahalaga tayo. Lahat tayo nagnanais maramdamang mayroon tayong nagawang pwede nating ipagmalaki. 

Kung araw-araw na lang binibigay mo ang lahat sa trabaho mo pero hindi mo pa rin nararamdaman na may nagawa kang maganda, kailangan mo na ng pagbabago.

Tumahak kang humingi ng ibang mga proyekto na pwede mo gawin. Kung hindi mo pa rin nararamdaman na mahalaga ka sa kompanya o na mahalaga ang ginagawa mong trabaho, pagisipan mo nang magsulat ng resignation letter.

Kain ng kain o kaya 'di kumakain

Pilipino tayo. Lahat tayo mahilig kumain. Pero kung araw-araw lagi ka na lang naghahanap ng merienda, stress eating na yata ito - isang senyas na nahihirapan ka na sa trabaho mo. Pwede ring halos hindi ka na kumakain o kaya natutulog.

Sa parehong sitwasyon, naghahanap ka lang ng bagong problema sa katawan mo at pagkatao mo. Lumayo ka sa mga ganitong madaliang solusyon sa stress. Kung hindi mo kaya, isa na naman itong kailangan mong pagisipan.

Katapangan, kaibigan. Katapangan.

Ang trabaho ay hindi lang nandiyan para mabayaran mo ang kailangan mong bayaran. Kung ano man ang ginagawa mo, ginagawa mo ito araw-araw at linalaan mo ang oras, kakayanan, at talino. Karapat-dapat lang na maghanap ka ng trabahong magbibigay buhay sa kalooban at katauhan mo. Minsan ang kinakailangan lang para mahanap ito ay katapangan. Kung umalis ka sa trabahong hindi para sa iyo, hindi ibig-sabihin nito mahina ka. Ibig-sabihin nito ay matapang ka at handa ka nang maglevel up sa iyong career o sa trabahong gagawin mo buong buhay.

Kung umalis ka nga sa trabaho mo, maghanap ka ng trabaho gamit ang Kalibrr. Tiyak makakahanap ka ng trabahong ikatutuwa mo.

Isinalin sa Filipino ni: Dindin Reyes

Photo galing sa: quinn.anya / Foter / CC BY-SA