Home | Archives

May Mas Mabilis Na Paraan Para Makuha Ang Iyong NBI Clearance

Noong nakaraang Mayo,  inilunsad ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mas mabilis na paraan upang makuha mo ang NBI clearance mo.

Kung hindi mo pa alam, ang NBI clearance ay isang mahalagang government ID na kinakailangan ng lahat ng mga kumpanya bago ka tanggapin sa trabaho. Para sa mga kumpanya, ito ang patunay na wala kang kasaysayan ng krimen.

Bago napatupad ang bagong sistema, ilang oras ang inabot ng mga taong pumipila sa mga Clearance Centers para makuha nila ang mga NBI clearance nila. Naaalala ko pa na gumising ako noon ng alas-4 ng umaga para makapila na ako pagsapit ng 5:30 AM, para lang maging bahagi ako ng iilang daan lamang bawat araw na sinuswerteng aasikasuhin ng NBI.

Sa dating sistema, isang araw kinakailangan bago maproseso ang clearance, pero sa pagdating ng teknolohiya ay may dalang ginhawa — sabi ng NBI, higit na mabilis na raw ang pagproseso dahil sa baong sistema.

Tatlong hakbang lang ang kailangan ngayon para makuha moa ng iyong NBI clearance. Inilista ng Kalibrr para sa inyo kung paano ito gawin:

1. Pumunta sa www.clearance.nbi.gov.ph at sagutin ang form

Sa pagbisita mo sa website, ito ang madadatnan mo:

NBI Clearance -
WebsiteMayroon ring mobile version ang website para makita mo siya sa cellphone:

NBI Clearance -
Mobile

Pagkatapos mong sagutan ang mga forms, pumili ka ng appointment date, at bayaran mo ang iyong NBI Clearance.

Maaari kang magbayad sa pamamagitan ng online banking, bank payment, at ibang mga non-bank payment na paraan tulad ng Luzon Brokerage Corporation (LBC), ATM at debit cards, Bayad Center, o sa mga Robinson’s Department Stores.

Bibigyan ka ng registration code o reference number. Huwag mong kalimutang ilista ang numerong ito dahil kakailanganin mo ito sa sunod na hakbang.

2. Pumunta ka sa pinakamalapit na NBI Clearance Center at magpakuha ka ng iyong retrato at ng iyong biometrics.

Ito ang mga listahan ng mga clearance centers na pwede mong puntahan. Kailangan mong ipakita ang iyong registration code o reference number bago ka makakapasok.

3. Antayin mo ang print-out.

Kapag nakakuha ka ng “hit,” kailangan mong kunin ang clearance mo sa araw na itatakda nila para sa iyo. Ang “hit” ay kung saan mayroon kang kasaysayan ng krimen, o may kapangalan ka sa rekord ng NBI na may sala sa batas.

Higit-kumulang limang araw ang kakailanganin ng NBI para mapag-aralan ang nasabing “hit.”

At ‘yan – tapos na! Sa tatlong hakbang, nakuha mo na ang iyong NBI clearance. Ayun nga lang, kapag napili mong pumunta sa mga clearance center na talagang kilala sa mahahabang pila, halimbawa na lang sa NBI Taft, pipili ka pa rin talaga bago mo magagawa ang Step 2.

Ngayon na alam no kung paano makuha ang iyong NBI clearance, may nahanap ka na bang trabaho? Kung wala pa, pumunta na sa Kalibrr at mag-apply na:

Apply na sa
Kalibrr!Isinalin ang blog post na ito galing sa Ingles na artikulo ni Paulo Vargas.