Home | Archives

Babatiin mo ba ang iyong dating boss?

Kakaiba talaga ang araw mo ngayon. Kakagaling mo lang sa isang team meeting na umabot ng isang oras, na kadalasan ay 15 minutos tapos na. Naatasan ka pa ng team leader mo na mag-submit bukas ng report, na kaladasay hindi siya ganitong pabigla-biglang nagbibigay ng utos. Biglang nabura lahat ng mga files sa laptop mo, at nang akala mo hindi pa lalala ang araw mo, nakasalubong mo ang dati mong boss habang bumibili ka ng White Chocolate Mocha sa Starbucks.

Paano mo siya tutugonan? Gaya ba nang pagtugon mo sa isang nakasalubong na ex? Tama bang sabihin na ang hashtag para sa biglaang engkwentrong ito ay “#awkward”? O babatiin mo ang dating boss mo nang parang isang matalik na kaibigan na matagal mo nang hindi nagunita? Ayon sa mga propesyonal sa iba’t ibang industriya, depende ito kung magkaibigan kayo ng boss niyo nang ikaw ay humiwalay sa trabaho — o kung naging bitter kayo sa isa’t isa sa huling pagkikita niyo.

Kapag “kaibigan”

Sa mga umalis sa kanilang kompanya in good terms, wala naman itong problema.

Ayon kay Joy Ann Ortize, na isang marketing manager ng resort, siya raw ang gagawa ng first move. “Kapag okay naman ang paghihiwalay namin, sasabihin ko ‘hi.’ Buti na lang, maayos naman ang pagkakahiwalay naming ng mga dati kong boss.”

Si Ardel Hernandez naman, na isang process developer at trainer apprentice para sa isang BPO company, makikipagkwentuhan pa. “Babatiin ko muna siya at ipakilila ko ang sarili ko. Ipapaalam ko na kasali ako sa kanilang organization noong nakaraan.”

Sina Joy, isang self-employed director ng isang management consulting firm, at Pastor Isaac, na dati naging human resource director, ay sumang-ayon na magpakita ng nararapat na pasasalamat sa kanilang mga dating boss. “Papasalamatan ko ang dati kong boss para sa lahat ng naituro niya sa akin, at kung paano ko ibinabahagi ko sa bago kong workplace ang mga proseso, ideya, at mga plano na natutunan kong gawin sa kanya.” Dagdag naman ni Pastor, “kapag nagtanong siya tungkol sa akin, sasabihin ko na okay lang ako at pinahahalagahan ko talaga ang lahat ng mga natutunan ko sa kanyang (dating boss) kompanya.”

“Babatiin ko siya at makikipagkumustahan. Pagkatapos, tatanungin ko rin siya kung kumusta na ang kanyang team o company. Then I would wish him the best and move on,” dagdag pa ni Pastor.

Kapag “kaaway”

Para naman sa mga umalis in bad terms, hindi ganoon kadali ang sitwasyong ito.

Kapag si Joy raw ay kailangan harapin ang kanyang dating boss na hindi niya kasundo, ay magtatago na lang at hindi magpapakita sa kanya. Sabi naman ni Pastor, “iiwasan kong magkatinginan kami at hindi ko na siya kakausapin.”

Kung hindi talaga maiiwasan ang magkasalubongan, babatiin na lang ni Pastor ang kanyang dating boss at move along na lang. “Nangyari talaga ito sa akin nang ilang nakaraang taon. Nakasalubong ko ang dati kong boss na sinisante sa executive position ko dahil sa professional dislike — totoong term yan. Sabi ko na lang ‘Magandang hapon, Ms. X,’ ngumiti pa ako, at nag-move on.” Dahil pinili niya manatiling magalang, hindi binigyan ni Pastor ang kanyang dating boss ng dagdag na dahilan na tama pala ang pagpasya niyang tanggalin si Pastor sa kanyang trabaho.

Payo naman ni Joy — magpakatotoo ka. “Awkward naman kung nagkunwari ka pa. Kung wala naman mapag-usapan, mag-hi ka lang tapos goodbye.” Nakakabuti ang maging mabuti at mahinahon sa mga sitwasyong ito.

Kunin ang mas mabuting daan

Kahit may kasamang sama ng loob ang makasalubong ang isang dating boss, alalahanin mo na lang ang mga magagandang alaala. Kahit paano ka man humiwalay sa dati mong employer, siguradong may mga aral ka pa ring nakuha galing sa dati mong boss na makakatulong sa iyong propesyonal at pansariling pag-unlad. Sa halip na manawagan ka pa sa mga boss horror stories sa iyong paggunita sa nakaraan, piliin mo na lang tandaan ang mga panahon na tumulong siya sa iyo.

At palaging tandaan, ang pinakamabuting paghihiganti ay ang pagiging masaya. O mas maigi pang isipin, it all happens for the best. Maaaring mas maganda na ang buhay mo sa bago mong landas. Let it go and move forward, do your best, at magtagumpay sa trabaho mo ngayon.

‘Wag kang magbabaon ng sama ng loob, kahit ano pang katwiran ang meron mo para sabihin na tama ang paghihiganti mo. You never know kung kalian mo pa makakasalubong ang mga taong ito.

Isinalin ang blog post na ito galing sa Ingles na artikulo ni Joseph Cueto.