Home | Archives

Paano Siguraduhin Na Hindi Scam Ang Trabaho Mo Sa Abroad

Maraming Pilipino ang naghahanap ng mga trabaho abroad gamit ang Internet, at umaasa na makahanap ng mas magandang hanapbuhay hindi lang sa kanilang pansariling pag-unlad ngunit pati na rin sa pag-ulad ng buhay ng kanilang mga pamilya.

Ngunit hindi madali maghanap, at aabot ang lahat sa isang punto na maiinip na lang sila sa kakahanap nang walang nararating. Maaari rin umabot ang mga Pilipinong ito sa pagiging desperado, na halos kahit anong job offer ay tatanggapin na nila. Dahil wala na silang pag-asa, mas madali silang maloko ng mga pekeng recruiter o job offer, at mauuwi lamang sila sa hinayang — o matinding panganib.

Kung iniisip mong maging kasapi sa lumalagong komunidad ng mga OFW, ito ang ilang mga paraan upang masigurado na hindi scam ang job offer na nakukuha mo.

Kumpirmahin sa listahan ng POEA.

Ito ang pinakaunang hakbang sa pagsiguro na mapagkakatiwalaan ang isang job offer. Mapapatunayan ang pagkalehitimo ng recruitment agency sa pamamagitan ng pagkonsulta sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Malalaman mo rin kung ang recruitment agency na kausap mo ay nabigyan ng naaangkop na mga lisensiya upang patakbuhin ang kanilang negosyo.

Manaliksik tungkol sa job offer o recruiter.

Dahil halos lahat ng bagay ay puwede nang malaman sa Internet sa panahon ngayon, i-search mo online ang recruiter mo, o kung sino man ang nagbigay sa iyo ng job offer, at alamin mo ang lahat ng impormasyon na kaya mong mahukay.

Kung mayroon silang website, basahin mo ang lahat ng mga nakalimbag sa kanilang website. Kung lehitimo nga ang recruiter o mga recruiters na kausap mo, hindi sila magdadalawang-isip na ibahagi ang kahit anong impormasyon tungkol sa kanilang negosyo, proseso ng pagtanggap ng empleyado o pag-recruit, ang kanilang karanasang pampropesyonal, mga contact details, address, at kung ano pang mahahalagang impormasyon.

Siyasatin ang kanilang web address.

Kung mayroon nga silang website, hindi lang ang nilalaman ng kanilang website ang mahalaga. Tingnan mo rin ang website address, o URL, na lumalabas sa browser mo. Kapag nagsisimula sa "http" ang website, madalas ay ligtas naman iyan, habang ang mga nagsisimula sa "http" o "www" ay mga pangkaraniwang website lamang, at hindi masisiguradong lehitimo o ligtas.

Alalahanin na laging maging listo sa mga nahahanap mo sa website, at pati na rin sa pagbisita lang sa mga website. Bukod sa maloko ka sa mga impormasyong hindi totoo, baka ma-virus pa ang computer na ginagamit mo.

Maghanap ng Trust Seal.

Ang "trust seal" ay isa pang pruweba ng pagkalehitimo ng isang recruiter. Ito ang nagsisilbing ebidensiya na mapagkakatiwalaan ang isang negosyo, dahil napatunayan na ang kanilang seguridad at ang kanilang identidad bilang isang negosyo. Ang trust seal ay maaaring nasa anyo ng selyo, tsapa (o badge), logo, o icon. Maaari mong kumpirmahin na aktibo pa ang trust seal kung may pop-up window na lumalabas kapag i-click mo.

[caption id="attachment_4502" align="aligncenter" width="280"]POEA
Certification (Source: Anglo-European Services, Inc.)[/caption]

[caption id="attachment_4501" align="aligncenter" width="300"]ci_mark_logo_3 (Source: OWWA)[/caption]

Gumamit ng ibang mga paraan upang manaliksik.

Marami pang ibang paraan upang siguraduhin ang pagiging lehitimo ng isang website, kagaya ng paggamit ng Webutation at ScamAdviser. Isalang mo lang URL ng website ng recruiter, at makakakuha ka ng mga assessment na papatunayan o papabulaanan ang pagkalehitimo ng isang negosyo. Ang mga detalye sa kanilang website, tulad ng pamagat ng website, klase ng negosyo, edad ng domain, ang may-ari, at iba pa ang maaaring gamiting batayan ng kanilang katotohanan.

Huwag matukso sa mga sobrang gandang job offer.

Kapag nakakuha ka ng email na nangangako ng isang job offer na may sobrang taas na suweldo kasabay ang iba pang mga magagandang benepisyo gaya ng medical insurance, pangmatrikula para sa mga dependent na anak, mga panggastos sa pag-relocate — huwag mong tanggapin ng basta-basta! Kahit mukhang maganda ang offer, maaaring magandang scam lang rin 'yan.

Balikan mo ang mga tips na binanggit namin at gawin ang lahat ng paraan ng pagsiyasat.

Huwag ibigay ang lahat ng iyong personal na impormasyon.

Sa kahit anong job application, kailangan mong ibigay lahat ng iyong personal na impormasyon — pagkatapos kang matanggap sa trabaho. Kung kinukulit ka ng recruiter mo tungkol sa mga ganyang detalye — mga maselang impormasyon gaya ng passport number o kaaarawan o TIN number — mag-ingat ka na. Siguruhin na lehitimo nga sila gamit ang mga nabanggit na mga tips.

Siyasatin ang email address na ginamit.

Maliban sa pagbasa ng nilalaman ng email, pansinin rin ang email address na ginamit ng nagpadala. Madalas ang mga kumpanya gumamit ng mga partikular na email address domain, gaya ng "@kalibrr.com" para sa halip na pangkaraniwan at walang bayad na domain gaya ng "@gmail.com" o "@yahoo.com."

Kapag pinadala ang mga email na ito gamit ang free email accounts, baka scam nga ang offer na iyan.

Mag-ingat na hindi ka naglalabas ng pera para sa hindi kailangan na bayarin.

Huwag kang magpaloko sa mga "recruiters" na humihingi ng bayad para sa mga proseso tulad ng pagpapagawa ng visa o mga lagay para mas mapabilis ang proseso, kahit pa man seminar fee 'yan na nagbibigay ng garantisado na makakapagtrabaho ka sa abroad kapalit ng pera mo.

Bilang aplikante, hindi ka obligado magbayad sa recruiter mo kahit ano pa mang dahilan ang ibigay nila, dahil ang mga recruiter ay dapat binabayaran ng kanilang mga amo.

Isinalin ang blog post na ito galing sa Ingles na artikulo ni Daniel Olivan.

I-follow ang Kalibrr sa FacebookTwitter, at Instagram, or sumali Viber public chat ng Kalibrr!