Home | Archives

Paano Sumagot sa Interbyu para sa Trabahong Sales and Marketing

Sadyang nakakakaba talaga ang mga job interview. Halos makakasigurado kang hinanap ka na nila sa Google pero malamang sa malamang, tatanungin ka pa rin nila, "Can you tell me about yourself?"

Anong sasabihin mo? Ikwekwentomo ba ang pamilya mo? Sasabihin mo bang mayroon kang Funko Pop collection? Ano ba talaga ang nais nilang malaman kapag tinatanong nila yan? Ito: kung alam na alam mo na ang mga nagawa mo sa iyong career at kung kaya mo itong ikwento ng mabuti - lalo na kung Sales and Marketing ang interbyung papasukan mo.

Sa Sales and Marketing, ang tanong na iyan ay isang opportunidad na ipresenta ang sarili mo bilang kandidato para sa trabaho. Isipin mo para itong isang elevator sales pitch: ilang segundo lang ang meron ka na hulihin ang loob ng nagiinterbyu sa iyo.

Paano sumagot sa interbyu at gamitin ang mga segundo ito? Basahin ang mga tips sa ibaba.

I-sento ang interbyu sa mga bagay na nais malaman ng kompanya.

Ang interbyu ay isang usapan kung saan nais niyong malaman kung magiging mabuti ka para sa kompanya at kung magiging mabuti ang kompanya para sa iyo. Nais nilang malaman, "Sino ka bilang isang sales and marketing professional." Bago pumasok sa interbyu, tanungin mo rin sa sarili mo ito. Ano ang mga kaya mong gawin? Ano ang mga gusto mong aralin? Ano ang mga nais mong matamo?

Isang ehemplo sa wikang Ingles, para sa pwedeng sagutin kung nais mong pumasok sa posisyon na entry-level digital advertising social media writer:

“I graduated with a Bachelor’s degree in Marketing, and a minor in English. During my last term in college, I had an internship with a mobile marketing firm where I helped create content for the content strategy team. Our team recently won an industry award for our innovative approach to content creation, which sparked my interest in continuing my career in digital marketing. I want to deepen my knowledge of social media content creation and strategy with this position and believe it will bring me toward my goal of being a content strategist one day.”

Sa sagot na ito, lumalabas na mayroon kang

  • kaalaman sa marketing
  • mataas na kakayahan pagdating sa pagsasalita sa Ingles
  • kakayahang humawak ng maraming responsibilidad
  • konkretong experience sa digital marketing
  • na may interes kang tumuloy sa industriya at nais mong pumasok sa isang kompanya na pangmatagalan

Gumawa ng script at magensayo

Gaya ng maraming bagay sa buhay, kailangan mo talagang mag ensayo. Gumawa ka na ng script kung saan nandoon na lahat ng gusto mong sabihin at i-prakitis mo na ito para pagdating sa interbyu, tuloy tuloy na ang pagsasalita mo.

Kahit may script ka, hindi mo ito kailangan i-memorize, para din hindi mawala ang pakiramdam na naguusap lang kayo. Alamin mo lang yung mga importanteng bagay.

Sa babay ay isang ehemplo ng mga bullet points para sa isang entry-level sales position, sa wikang Ingles:

  • Proven experience as a president of your home organization
    • Increased events sponsor list by 40% through proposed plan to tap alumni in upper management positions
  • Relevant work experience interning for a sales in a start-up company
  • I want this position because I want to build a career in sales and I believe that this position will give me the training and experience that I need.

Sa ehemplong iyan, makikita nila kung ano ang mga kakayahan mo sa isang paraan na pwede ka pa ring magsalita ng natural.

Huwag gawing masyadong personal.

Isang madalas mangyari sa mga nagiinterbyu ay lagi nilang sinasagot ang mga tanong ng personal. Hindi naman talaga ninanais ng mga iinterbyu sa iyo na malaman ang lahat ng mga personal na kwento mo tungkol sa pagkabata, love life, etc. Nais nilang malaman kung sino ka bilang isang professional.

Kung sasagot ka ng mga personal na bagay, siguraduhin mong may koneksyon ito sa posisyong nais mong mapa saiyo. Kung magkwekwento ka ng hobbies, ikwento mo na mahilig ka magbasa, magsulat, at iba pa.

Palitawin ang mga kakayahan, pero huwag maging mayabang at huwag magsinungaling

Ikwento mo ang iyong mga kakayahan, lalo na kung saan ka malakas o magaling, pero huwag maging mayabang at huwag magsinungaling. Madali lang para sa kanila ang gumawa ng background check at sa huli, malalaman din nila ang lahat.

Kung gusto mo talagang mapasok sa isang trabahong Sales and Marketing, gawin mo isang masayng proyekto ang paghanda para sa iyong interbyu. Sa tamang paghahanda at pag ensayo, siguradong kakayanin mong sagutin ang lahat ng tanong ng may bilib sa sarili.

Photo by: Markus Spiske / raumrot.com